Ni: Jose Emmanuel Micael M. Eva VIII
BS Geography, UP Diliman
Mula sa pagkabata hanggang pagkabinata,
Nahumaling sa tao’t bagay - magaganda
Pinaglaruan noon ay di buhay,
Sa paglaki’y ang laro’y nagiging mahalay
Konting salita, dati paulit-ulit,
Dumadami na at pasaglit-saglit
Sapagka’t ang bukana’y tumatanda rin,
Na parang utak na dapat ay bihasahin.
Noo’y sa kwadernong asul at pula,
Ang lihim na dibuho ng kanyang mukha
Hanggang sa dulceng mamahalin,
Na ito na ngayon ang inihahain.
Ang paglaki’y di biro,
Ang paggulang ay ‘di laro,
Sa paglingon tanaw ang nakaraan,
Ang paglakad tungo sa pirmihan.